--Ads--

Ayon sa OCTA Research, 78% ng mga Pilipino ang nagnanais na humarap si VP Sara Duterte sa impeachment trial upang sagutin ang mga alegasyon laban sa kanya. 13% ang hindi sang-ayon, habang 9% ang walang sagot.

Iginiit ng kampo ni Duterte na handa silang harapin ang kaso ngunit binigyang-diin na hindi dapat gamitin ang impeachment bilang panggigipit sa mga kalaban sa politika.

Pinagtatalunan ni Duterte kung maaaring talakayin pa sa 20th Congress ang impeachment na isinampa noong 19th Congress.

Ang survey ay isinagawa mula Abril 20-24 sa 1,200 respondents, na may margin of error na ±3%.

--Ads--

Noong Pebrero 5, inaprubahan ng mahigit 200 mambabatas sa Kamara ang impeachment at ipinasa ito sa Senado, ngunit hindi ito agad natalakay.

Noong Pebrero 25, inanunsyo ni Senate President Chiz Escudero na Hunyo 2 magsisimula ang impeachment trial. Ngunit noong Mayo 29, inilipat ito sa Hunyo 11 upang unahin ang mga panukalang batas ng administrasyon.

Nagbuo na ng resolusyon si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa at iba pang senador upang ipawalang-bisa ang impeachment case laban kay Duterte.

Si Duterte ay inakusahan ng pagtataksil sa tiwala ng publiko, paglabag sa Konstitusyon, katiwalian, at iba pang mabibigat na krimen.