--Ads--
Magandang balita para sa mga motorista inaasahang bababa ang presyo ng ilang produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Batay sa abiso tinatayang magkakaroon ng P0.25 kada litro na pagbaba ang presyo ng
Gasolina, P1.25 kada litro ng Diesel at P1.20 kada litro sa Kerosene.
Ayon kay Rodela Romero ng DOE-OIMB, ang rollback ay bunga ng mga pagbabago sa pandaigdigang kalakalan ng langis nitong nakaraang apat na araw.
Ang pinal na presyo ay iaanunsyo matapos ang trading ngayong araw.
--Ads--
Tuwing Lunes inia-anunsyo ng mga kompanya ng langis ang opisyal na pagbabago sa presyo, at ipinatutupad ito kinabukasan.









