--Ads--

Kinikilala ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO) ang pagsasampa ng kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa anim nilang tauhan kaugnay ng umano’y pagtatanim ng ebidensya sa kaso ni Freddie Mallari.

Ipinahayag ng NVPPO na iginagalang nito ang proseso ng batas at tinitiyak sa publiko na sila ay nakikipagtulungan sa imbestigasyon. Nangako rin ang tanggapan ng pagiging bukas at may pananagutan sa lahat ng kanilang aksyon.

Nakipagtulungan na umano ang anim na pulis sa isinasagawang administrative proceedings, habang nakabinbin pa ang kasong kriminal at inihahanda nila ang kanilang counter affidavit.

Binigyang-diin ng NVPPO na hindi nila kinukunsinti ang anumang uri ng maling gawain o pang-aabuso ng kapangyarihan. Tiniyak din nilang naninindigan sila sa pagpapatupad ng batas at pagpapanatili ng tiwala ng komunidad na kanilang pinaglilingkuran.

--Ads--

Nagpahayag din ang NVPPO na hindi na sila magbibigay ng karagdagang pahayag hinggil sa kaso upang mapanatili ang integridad ng isinasagawang legal na proseso.