--Ads--

Nalampasan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) revenue target nito na P1.554 trillion mula January hanggang June 2025.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo D. Lumagui Jr., ito ay 14.11 percent na mataas o katumbas ng P4.594 billion kung ikukumpara sa nalikom na buwis sa parehong panahon noong 2024.

Ani Lumagui, ang naturang koleksyon ay kumakatawan sa 48 percent ng 2025 collection target nito na P3.2 trillion.

Kumpiyansa ang BIR Commissioner na makakatulong ang mga bagong batas sa pagbubuwis, gaya ng value-added tax (VAT) sa Digital Services, CREATE MORE Act at Capital Markets Promotions Act (CMEPA) upang malampasan pa ang revenue ng Kawanihan para sa taong ito.

--Ads--