--Ads--

Patay ang dalawang lalaking magtiyuhin matapos ang madugong insidente ng pananaga sa Bais City, Negros Oriental.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente noong Huwebes, bigla umanong sumugod ang suspek sa bahay ng kanyang pinsan habang armado ng dalawang itak. Nag-amok ito at agad na inundayan ng taga ang biktima.

Lumabas ang tiyuhin ng suspek upang umawat, ngunit maging siya ay tinaga rin. Sa kabila ng mga sugat, nagawa pa ng biktima na maagaw ang isa sa mga itak at gumanti ng taga na ikinasawi ng suspek.

Gayunpaman, nasawi rin ang biktima dahil sa matinding sugat sa katawan.

--Ads--

Ayon sa mga awtoridad, may kapansanan sa pag-iisip ang suspek at dati na ring may alitan sa pamilya ng biktima.