--Ads--

Bahagyang tumaas ang kabuuang bayarin ng bansa sa panlabas na utang sa unang limang buwan ng taon, ayon sa datos mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Umabot sa $5.87 bilyon ang kabuuang binayaran ng Pilipinas para sa panlabas na utang, bahagyang mas mataas kaysa sa $5.84 bilyon noong parehong panahon ng nakaraang taon.

Tumaas rin ang 2.3% ang bayad sa principal o punong utang: mula $2.58 bilyon patungong $2.65 bilyon.

Lumobo rin ng 4.4% ang bayad sa interest o tubo: mula $3.08 bilyon patungong $3.22 bilyon, dulot ng mataas na global borrowing costs.

--Ads--

Sa buong taong 2024, sumipa ang bayarin sa utang ng 16%, mula $14.85 bilyon noong 2023 patungong $17.16 bilyon.

Mula Enero hanggang Mayo, ang debt service burden ay katumbas ng 23% ng export shipments at 9.3% ng kabuuang kita mula sa goods, services, at primary income.

Sa ngayon umakyat na sa $146.74 bilyon ang kabuuang panlabas na utang ng bansa sa pagtatapos ng Marso 2025 halos 7% na pagtaas mula sa huling quarter ng 2024.

Mas mataas ito ng 14% kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Katumbas ito ng 27.8% ng gross national income at 31.5% ng gross domestic product