--Ads--
Ibinalik ng Bureau of Customs (BOC) ang polisiya na agad na magsususpinde kahit sa unang paglabag ng mga tiwaling broker o importer.
Sa memorandum noong Setyembre 5, muling ipinatupad ni Commissioner Ariel Nepomuceno ang Customs Memorandum Order 12-2021 na nagtatakda ng hanggang 90 araw na suspensyon kapag may kargamentong naglalaman ng ipinagbabawal na produkto, walang kaukulang permit, o na-forfeit dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.
Mawawalan na rin ng bisa ang Memorandum 06-2024 na pansamantalang nagpatigil sa automatic suspension.
Ayon kay Nepomuceno, layon ng hakbang na ipakita ang seryosong pagpapatupad ng batas habang sinisiguro na hindi maaapektuhan ang mga lehitimong kargamento.
--Ads--










