--Ads--

Nagpapatuloy ang ginagawang pagpaparehistro ng Philippine Statistics Authority (PSA) Isabela para sa National ID System.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Director Julius Emperador ng PSA Isabela, sinabi niya na sa ngayon ay nasa coastal town ng lalawigan ang ilan sa mga registration officers upang I-accommodate ang mga nagnanais magparehistro para sa National ID.

Mayroon ding mga registration centers sa SM City Cauayan, Robinsons Place Santiago, at sa provincial office ng PSA.

karamihan sa mga nagpaparehistro ay ang mga 4P’s beneficiaries at iba pang mga benepisyaryo ng mga programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

--Ads--

Sa mga hindi pa natatanggap ang kanilang National ID ay maaari na munang gamitin pansamantala ang kanilang ePhil ID o ang printed o ang digital o printed version ng National ID.

Nilinaw naman niya na pwedeng papalitan ang mga nasisirang National ID basta iulat lamang ito sa kanilang tanggapan, maging ang correction o ang pagtatama sa mga maling impormasyon na naitala.

Samantala, ipinagdiriwang naman ngayong araw ng PSA Isabela ang kanilang ika-12 anibersaryo kung kaya’t kabi-kabilaang mga aktibidad ang isinagawa kaugnay dito.

Kabilang na rito ang outreach program na una na nilang isinagawa nitong Huwebes, ika-11 ng Setyembre sa Lungsod ng Ilagan.

Ngayong araw ay nagsagawa naman sila ng tree planting at livelihood program sa Ilagan Sanctuary.