--Ads--

Muling tumaas ang presyo ng produktong petrolyo ngayong umaga, mula 10 centavos hanggang 50 centavos kada litro sa ika-limang sunod na linggo ng oil price hike.

Sa abiso ng Seaoil, tataas ng 10 centavos kada litro ang presyo ng gasolina, 50 centavos sa kada litro sa diesel, at 10 centavos sa kada litro sa kerosene simula ngayong alas-6 ng umaga.

Patuloy na tumataas ang presyo ng langis bunsod ng mga problema sa suplay na dulot ng umiigting na tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine, kaguluhan sa Gaza, at alitan ng Israel at mga bansang Gulf.

Apektado rin ang presyo ng langis ng inaasahang surplus dahil sa plano ng mga miyembro ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) at non-OPEC oil producing countries na dagdagan ang kanilang produksyon.

--Ads--