--Ads--

Sa pinakahuling ulat ng DOST-PAGASA ngayong 10:00 PM, Setyembre 16, 2025, patuloy ang paggalaw ng Tropical Depression “MIRASOL” pa-kanluran habang papalapit sa mga baybayin ng Isabela at Aurora. Bagama’t hindi pa ito tumatama sa lupa, ang mga epekto nito ay nararamdaman na sa ilang bahagi ng Luzon.


Ang sentro ng bagyong MIRASOL ay tinatayang nasa 95 km Silangan ng Baler, Aurora o 65 km Timog-Silangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 km/h malapit sa gitna at may pagbugso na hanggang 70 km/h, kumikilos ito sa direksyong kanluran sa bilis na 20 km/h.

Nakataas ngayon ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 Batanes, Cagayan (kasama ang Babuyan Islands), Isabela, Quirino, hilaga at silangang bahagi ng Nueva Vizcaya, hilaga at gitnang bahagi ng Aurora, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte, hilagang bahagi ng Ilocos Sur, Polillo Islands, hilagang bahagi ng Camarines Norte.

--Ads--

Ayon sa forecast ng State Weather Bureau, may posibilidad na lumakas pa ang MIRASOL at maging tropical storm kapag ito ay muling lumabas sa Luzon Strait.