--Ads--

Naging matagumpay ang isinagawang provincial at regional screening para sa mga iskolar sa Region II.

Inihayag ni Shehemia Pumihic, Education Focal Person ng District III sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan na umabot sa 39 ang grantees sa ilalim ng Scholarship Assistance for Agta (SAA) at may karagdagang tatlong benepisyaryo sa ilalim ng Scholarship Assistance Program (SAP).

Sakop ng District III ang mga bayan ng Reina Mercedes, San Mateo, Luna, Cabatuan, Angadanan, Alicia, at Palanan.

Kaugnay nito, hinihikayat ni Pumihic ang mga kabataang mula sa Agta Community na magsumite ng kanilang mga requirements dahil sila ang pangunahing prayoridad ng programa.

--Ads--

Kabilang sa mga dokumentong kailangang isumite ang Certificate of Confirmation bilang miyembro ng Indigenous Community, Certificate of Tax Exemption ng mga magulang, at Certificate of Grades para sa mga nasa kolehiyo, habang Form 137 naman para sa mga highschool students.

Samantala, nagbigay rin ng mensahe si Pumihic sa mga mag-aaral na nagnanais mapabilang sa scholarship program ng NCIP.