--Ads--

CAUAYAN CITY- Nakatakdang magtayo ng bagong Museo para sa mga katutubo ang hanay ng National Commission on Indigenous People katuwang ang National Museum of of the Philippines sa lalawigan ng Aurora

Kasunod ito ng adhikain ng NCIP at iba pang sangay ng pamahalaan na mapreserba ang mga natatanging yaman ng mga katutubo

Ayon kay Community Development Office Roy Layao ng NCIP Cauayan, bahagi ito ng hakbang upang magkaroon ng lugar ang mga artifacts at mga gawa ng mga katutubo na nais nilang mailagay doon

Aniya, maaring bilhin kung hindi man ibigay ng kusang loob ang mga ito para.mapreserba

--Ads--

Ngunit sa kabila nito, nananatili pa rin ang karapatan ng mga IP Community kung nais nilang ilagay sa museo ang kanilang mga artifacts

May mga pag uusap din na mangyayari sa pagitan ng National Museum at mga kababayan natibg katutubo para sa pagpepreserba ng kanilang mga artifacts at iba pa

Patuloy din na nakamonitor ang hanay ng NCIP sa mga ahensiya na pumapasok sa mga IP Community para sa tamang koordinasyon.