--Ads--

Nagtamo ng sugat ang driver matapos na sumabog ang gulong ng minamaneho nitong SUV bago sumalpok sa concrete barrier sa Barangay Calamagui, San Pablo, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCpl. Leimar Lapitan, ang imbestigador ng San Pablo Police Station, sinabi niya na binabaybay ng isang itim na SUV ang provincial road nang biglang pumutok ang likurang gulong ng sasakyan sanhi para mawalan ng kotrol ang driver at sumalpok sa concrete barrier na nasa gilid ng kalsada bago bumaliktad ng tatlong beses.

Batay sa kanilang initial investigation lumalabas na galing ang biktima sa Barangay Ugad Cabagan, Isabela at papunta sana sa Tuguegarao City subalit pagsapit sa Calamagui Bridge ay pumutok ang gulong nito .

Dahil sa aksidente ay halos nawasak ang buong sasakyan subalit mapalad na nagtamo lamang ng minor injury ang biktima.

--Ads--

Ito naman ang unang beses nilang nakapagtala ng aksidente sa Calamagui Bridge.

Paalala niya sa mga motorista na ugaliiang suriin ang mga sasakyan bago bumaybay sa mga kalsada para maiwasan na masangkot sa aksidente.