--Ads--

Muling tumaas ang presyo ng produktong petrolyo ngayong araw ng Martes.

Sa abiso ng oil companies nitong Lunes, inanunsyo ng Seaoil na magtataas sila ng 80 centavos kada litro sa diesel, habang piso kada litro naman sa gasolina at kerosene simula kaninang alas-6 ng umaga.

Nagpatupad din ng kaparehong taas-presyo ang Caltex, PTT Philippines at Jetti Energy.

Ayon sa pahayag ng Jetti Energy, ang paggalaw ng presyo ay bunsod ng pagbabago sa presyo ng mga refined fuel products, freight, at market premiums sa pandaigdigang merkado.

--Ads--

Ito na ang ika-anim na sunod-sunod na linggo ng taas presyo ng langis, na iniuugnay sa tumataas na demand sa mga bansa sa Northern Hemisphere at mga isyung may kinalaman sa supply dahil sa tensyon sa geopolitics.