--Ads--

Isang gusali na kasalukuyang ginagawa sa loob ng Al Khoziny Islamic Boarding School sa bayan ng Sidoarjo, East Java ang gumuho nitong Lunes, na nagresulta sa pagkamatay ng hindi bababa sa isang katao, pagkasugat ng 99 iba pa kung saan ilan sa mga biktima ay nasa kritikal na kondisyon at marami pa ang pinaniniwalang na trap sa gumuhong istruktura.

Ayon sa mga ulat, naganap ang trahedya habang nagsasagawa ng panalangin ang mga estudyante sa loob ng gusali, na noon ay sumasailalim sa hindi awtorisadong konstruksyon. Mula sa orihinal na dalawang palapag, dadagdagan ang gusali ng dalawang palapag pa kahit walang kaukulang permiso.

Sinisikap ngayon ng mga rescue team na maabot ang iba pang biktima na natabunan sa gumuhong gusali bagamat nagkukulang na ng oxygen at tubig para sa mga estudyanteng pinangangambahang naipit pa sa ilalim ng mga debris.

Inihayag naman ni Provincial Police Spokesperson Jules Abraham Abast na ang pagkasira ng pundasyon ang pangunahing dahilan ng pagguho.

--Ads--

Sa kasalukuyan, inilunsad na ng mga otoridad ang masusing imbestigasyon upang matukoy ang mga posibleng pananagutan sa likod ng trahedya. Ayon sa mga rescuer, may mga katawan pang natatanaw sa ilalim ng guho, dahilan upang asahang maaaring tumaas pa ang bilang ng mga nasawi.