--Ads--

Nasawi ang isang negosyante matapos na masangkot sa aksidente habang sakay ng kaniyang motorsiklo sa Brgy. San Luis, Roxas, Isabela.


Kinilala ang biktima na si “Jemuel”, 24-anyos, residente ng Brgy. Vira, Roxas.


Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Roxas Municipal Police Station, patungong Rang-ayan ang biktima na sakay ng motorsiklo, nang makarating sa lugar ng aksidente ay hindi umano nito nakita ang “humps” sa daan, dahilan upang mawalan siya ng kontrol sa manibela at sumadsad sa kalsada.


Nagtamo si “Jemuel” ng malubhang sugat sa ulo at agad na isinugod ng Rescue 333 sa Manuel A. Roxas District Hospital, subalit idineklara itong dead on arrival ng kanyang attending physician.

--Ads--