Dismayado ang isang political analyst kaugnay sa naging appointment ni SOJ Jesus Crispin Remulla bilang bagong Ombudsman kapalit ng nagretirong si Ombudsman Samuel Martires.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Michael Henry Yusingco, sinabi niya na ang nais sana niyang maitalaga sa posisyon ay isang tao na walang koneksyon sa kasalukuyang Pangulo.
Ito ay para sana matiyak na magkakaroon ng transparency lalo na sa mga nakaraang Ombudsman.
Hindi aniya magandang pangitain ang malalaim na political alliance ni SOJ Remulla at ni Panghulong Marcos para sa isinusulong na imbestigasyon at pagpapanagot sa mga sangkot sa katiwalian.
Hindi aniya maiiwasan na isipin na maaaring may paboran ang bagong Ombudsman lalo na sa mga issue may sangkot na kaalyado, malapit o kaanak ng Pangulo.
Pinangangambahan din na posibelng hindi mabawi ang perang nawala sa kaban ng bayan gayunman posibleng may makulong aniya subalit hindi lahat ng sangkot ay mapapanagot.
Magkakaroon lamang aniya ng kumpiyansa ang taumbayan sa Ombudsman kung wala itong anumang koneksyon sa Pangulo.
Batay sa kaniya walang legal remedy para sa pagtutol sa appointsment sa bagong Ombudsman lalo at talaga naman aniyang qualified ito.
Ngayong may bago ng Ombudsman umaasa siyang sa mga susunod na araw at sa lalong madaling panahon ay may masasampahan na ng kaso kaugnay sa anomalya sa Flood Control Project.
At bilang patunay o show of good faith ay dapat I re-appeal ang umiiral na alituntunin kaugnay sa SALN o Statement of Assets, Liabilities at Networht ng mga politiko.











