--Ads--

Inanunsyo ng fuel retailers ang magkaibang galaw sa presyo ng mga produktong petrolyo  na epektibo ngayong araw.

Sa magkahiwalay na abiso, sinabi ng Seaoil Philippines Corp. at Shell Pilipinas Corp. na tumaas ang presyo sa kada litro ng gasolina ng P0.30, habang rollback naman sa kerosene ng P0.20 ang ipinatupad kaninang alas-6 ng umaga, habang wala namang pagbabago sa presyo ng diesel.

Samantala, magpapatupad din ng kaparehong pagbabago sa presyo ang Cleanfuel at Petro Gazz.

Ayon sa Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy (DOE), ang mga paggalaw sa presyo sa pandaigdigang merkado ay dulot pagtaas ng imbentaryo ng krudo sa U.S. at pangangamba sa oversupply matapos ang pansamantalang tigilan ng putukan sa pagitan ng Israel at Hamas

--Ads--