--Ads--

Maghaharap sa konseho ng bayan ng Reina Mercedes, Isabela ang isang Punong Barangay at nagrereklamo nitong kabarangay matapos umano itong umabuso sa kapangyarihan.

Nakarating sa konseho ang reklamo sa hindi pa pinapangalanang kapitan dahil umano sa paggamit nito sa kaniyang posisyon upang makapang agrabyado sa kaniyang mga nasasakupan.

Ayon kay Vice Mayor Harold Respicio, magkakaroon ng pagdinig sa konseho upang malinawan ang akusasyon laban sa kapitan

Mabibigyan din ng pagkakataon ang dalawang panig upang makapagpaliwanag at malaman kung may katotohanan ang alegasyon.

--Ads--

Ayon sa bise alkalde, ang pagpapatawag sa punong barangay at maging ang nagrereklamo residente ay hindi para pag awayin kundi para mabigyang linaw ang dalawang panig

Dito rin aalamin kung may paglabag na nagawa ang nakaupong opisyal o kayay mayroon lamang hindi pagkakaunawaan.

Pabibilisin ang magiging pagdinig sa nasabing usapin upang agarang maibaba kung ano ang magiging hatol ng konseho.

Dagdag pa ni Atty. Respicio, magandang pagkakataon din ito para maipaalam sa publiko na maari silang magsumbong kung sa tingin nila ay nagkakaroon ng pang aabuso sa kapangyarihan ng mga nakaupo

Nilinaw din nito na sa ngayon ay wala pang hatol kung may kasalanan ba ang kapitan o wala dahil magkakaroon pa ng pagdinig hinggil sa reklamo