--Ads--

CAUAYAN CITY- Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang Barangay Kapitan matapos na barilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa loob mismo ng Barangay Hall sa Barangay 2, Enrile Cagayan.

Nakilala ang biktima na si Kapitan Bernardo Gacuan ng Brgy. 2, Enrile, Cagayan

Batay sa initial investigation ng Enrile Police Station nasa Barangay Hall si Kapitan Gacuan ng siya ay lapitan ng dalawang hindi pa nakikilalang mga lalaki na nakasuot ng white/black checkered longsleeves at pantalon saka binaril.

Matapos ang pamamaril ay tumakas ang mga suspek sakay ng Yamaha Aerox na kulay blue at black na walang plaka sa hindi pa malamang direksyon.

--Ads--

Agad namang inalarma ng Enrile Police Station ang mga karatig na himpilan ng Pulisya sa Cagayan para sa paglalatag ng Checkpoints.