--Ads--

Sa kabila ng pananalasa ng mga nagdaang bagyo na sumira sa ilang taniman ng bulaklak sa Benguet, nananatiling sapat at stable ang suplay ng bulaklak para sa nalalapit na paggunita ng Undas.

Ayon sa ilang supplier, hindi magkukulang at posible pang sumobra ang suplay ng bulaklak para sa Nobyembre 1 at 2, bagama’t may mga nasirang taniman ng bulaklak ang mga nagdaang bagyo, hindi apektado ang isusuplay pa niyang mga bulaklak sa Bulacan, Pangasinan, at Cagayan.

Sa ngayon, mataas ang demand para sa mga bulaklak sa mga pamilihang bayan, partikular na sa Sunflower, Rosas – mula ₱80 hanggang ₱400 depende sa klase at laki, Malaysian mums – mula ₱100 hanggang ₱150

Tiniyak ng mga supplier na patuloy ang pagdating ng suplay mula sa mga taniman upang maserbisyuhan ang dumaraming mamimili ngayong panahon ng Undas.

--Ads--