--Ads--

Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na pababain ang presyo ng mga construction materials para sa mga proyektong pang-imprastruktura ng pamahalaan ng hanggang 50%, upang makapagtipid ang gobyerno ng tinatayang ₱30 hanggang ₱45 bilyon.

Ayon kay Pangulong Marcos, natuklasan ng DPWH na ilang pangunahing materyales tulad ng asphalt, steel bars, at semento ay overpriced o sobrang taas ng presyo ng hanggang kalahati kumpara sa aktuwal na halaga nito sa merkado.

Dagdag pa ng Chief Executive, kailangang tiyakin ng DPWH na transparent at cost-efficient ang lahat ng proyekto sa ilalim ng Build Better More infrastructure program, upang mas mapabilis at mapalawak ang pagpapatayo ng mga kalsada, tulay, paaralan, at ospital sa buong bansa.

Binigyang-diin din ni Pang. Marcos Jr. na hindi dapat mapunta sa “overpricing at katiwalian” ang pondo ng bayan, at hinikayat ang mga ahensiya ng pamahalaan na magsagawa ng masusing review ng procurement process upang mapigilan ang sobrang pagtaas ng presyo ng mga materyales.

--Ads--