Binigyang linaw ni Father Vener Ceperez ang Parish Priest ng Our Lady of the Pilar Parish Church, Cauayan ang nakasanayang pag-aalay sa tuwing araw ng Undas.
Aniya, ang pag-aalay ay tanging sa Diyos lamang at hindi sa mga patay sapagkat kapag nag-aalay sa patay ginagamit ito ng masamang espiritu upang magkunwaring sila ang patay.
Ang pag-aalay sa altar ay pag-aalay sa Panginoon upang ipanalangin ang mga yumao sa buhay. Ang mga pagkaing inaalay sa altar ay tanda ng pagbibigay ng papuri sa diyos bilang sakripisyo upang sana kahabagan ng Diyos ang mga yumao.
Giit ni Father Ceperez na hindi maganda ang pagtawag sa kanilang mga kululuwa gaya ng kapag silay inaanyayang kumain na pagkatapos mag-alay ng mga pagkain. Dahil kapag namatay ang isang tao ay huhusgahan na ito agad marahil sa langit o kaya impyerno. Hindi na ito magpapaikot-ikot pa ang nasabing kaluluwa sa mga sementeryo, bahay o simbahan.
Dagdag pa niya, ang araw ng Undas ay mahalaga upang ipagdasal ang mga namayapa, magdala ng mga bulaklak sa mga ito bilang tanda ng paggiliw sa kanilang puntod dahil ito ang kanilang huling himlayan. Ngunit hindi tama na tawagin itong isang ancestral worship o kaya atang.
Ayon pa kay Father Ceperez, ang unang araw ng Nobyembre ay tinatawag na To Dos Los Santos, ipinagdidiwang ito ng mga Santo sa langit kaya tinatawag itong Halloween. Kaya aniya ang halloween ay hindi ukol sa katatakutan. Ito rin ang pagdiriwang ng mga buhay pa dahil kabilang din ang mga ito na Santo at Santa in the making. Kaya ang Undas ay ipinagdidiwang ang kabanalan at hindi ang kakatakutan.
Pinaalalahan rin ni Father ang mga mamamayan na matuto sa pananampalataya nang sa ganoon hindi maloko ng mga masasamng kaluluwa o espiritu na nasa paligid.
Samantala, magkakaroon naman ng Feast of Saints o Parade of Saints sa October 31 , alas kwatro ng hapon sa Our Lady of the Pilar Parish Church, Cauayan. Magkakaisa ang bawat isa sa pagdarasal ng Santo Rosario at mag-proprosisyon sa labas patungo sa loob ng simbahan dala ang damit ng mga Santo upang magdiwang ng misa.









