Unti-unti ng nararamdaman sa mga bus terminal sa lungsod ng Cauayan ang pagdating ng mga kababayang uuwi ng probinsiya para gunitain ang Undas.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Rey Anos, Terminal Officer sa bus terminal ng lungsod, sinabi niyang inaasahan nilang mamayang hapon ay dadami at bunton ang kababayang darating sa probinsiya. Kagabi at kaninang madaling araw ay punuan na ang mga buses na nagsisidating sa lungsod mula pa sa Metro Manila.
Kinumpirma rin ng terminal officer na puno na ang lahat ng regular trip ng kanilang mga bus terminal ngunit tiniyak nila sa publiko na sapat at may mga ipinadalang buses ang kanilang kompanya para ma-cater ang lahat ng mga pasahero.
Isa rin na tinitignan nila na magiging pamamaraan para mapadali ang pagbalik ng mga kababayan sa kanilang lugar pagkatapos ng Undas ay ang pagkakaroon ng extra trip bagaman punuan na ang mga regular trips.
Aniya, lahat ng mga buses nila ngayon ay agad na pinapabalik sa siyudad para maisakay ang mga kababayan na uuwi pa ng probinsiya. Isa rin kasi sa naging obserbasyon nila bagaman dito sa probinsiya ay wala masyadong sumasakay paluwas ng Metro Manila, ngunit sa syudad madami ang bumabyahe pauwe sa kani-kanilang mga probinsiya kaya naman hindi na nila pinupuno pa ang mga buses na dumadating sa lungsod at agad na bumabalik na sa siyudad.
Samanatala, tinitiyak din ng mga opisyales o mga nagmamanage ng bus terminal na masigurong maiuwi at walang maiiwan na mga kagamitan ng pasaheros at maging yung issue sa swapping ng gamit ay isa rin sa mga binabantayan ng mg bus personnel nang sa ganon hindi ito magdulot ng abala sa pag-uwe ng mga kababayan.











