--Ads--

Dahil non-bailable ang mga inirekomendang kaso ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Ombudsman laban sa mga sangkot sa anomalya sa flood control projects, naniniwala si Palace Press Officer Atty. Claire Castro na muling maglalabasan ang mga neck braces at wheelchairs.

Ito ang naging reaksyon ni Castro matapos irekomenda ng ICI sa Ombudsman ang pagsasampa ng mga kasong kriminal at administratibo laban sa mga dati at kasalukuyang opisyal ng gobyerno, partikular sa mga kasong plunder, direct o indirect bribery, at corruption of public officials.

Ayon sa personal na opinyon ni Castro, posibleng makita muli ang paggamit ng neck braces at wheelchairs, at baka may mangailangan pa ng hospital arrest, gaya ng nangyari sa mga dating opisyal ng gobyerno na hinarap ang mga kasong katiwalian.

Matatandaan na kabilang sa mga inirekomendang kasuhan ng ICI sina Senators Joel Villanueva, Jinggoy Estrada, dating Congressman Zaldy Co, at iba pang indibidwal na nasangkot sa flood control scam.

--Ads--