--Ads--
Inaasahan ng Department of Energy (DOE) ang panibagong malaking pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa unang linggo ng Nobyembre, ayon kay Rodela Romero ng DOE Oil Industry Management Bureau.
Batay sa paunang pagtataya ng ahensya, posibleng tumaas ang presyo ng Gasolina ng ₱1.20 kada litro
Diesel ng ₱2.15 kada litro, Kerosene ng ₱1.75 kada litro.
Ipinaliwanag ng DOE na ang inaasahang pagtaas ay bunsod ng ilang pandaigdigang salik, kabilang ang pagluwag ng tensyon sa kalakalan sa pagitan ng Estados Unidos at China, mga ipinataw na parusa sa Russia, at ang patuloy na paghina ng piso laban sa dolyar.
--Ads--
Ito na ang ikalawang sunod na linggo ng pagtaas ng presyo ng langis ngayong buwan, kasunod ng naunang oil price hike noong Oktubre 28.











