Nagsagawa na ng Pre- Disaster Risk Assessment (PDRA) ang lokal na pamahalaan ng Nagulian, Isabela katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) bilang paghahanda sa bagyong “Uwan”.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Chu Bigornia ang head ng MDRRMO Naguilian, aniya layunin nito na maihanda ang bawat mga barangay na kanilang nasasakupan sa pagtama ng Bagyo.
Bagaman iilan lamang ang mga karaniwang naapektuhan ng pagbahag sa kanilang lugar naghahanda pa rin ang lokal na pamahalaan sa posibleng idulot ng Bagyong “Uwan” lalo pa batay sa forecast na malaki ang sakop nito.
Ayon pa kay Head Bigornia, karanasan na nila na magkaroon ng pagbaha sa ilang barangay bagay na kanilang pinaghahandaan.
Dagdag pa niya, batay sa kanilang karanasan ay nagkakaroon ng pagbaha sa ilang barangay sa tuwing may malakas na pag-ulan, dahilan upang mas paigtingin pa nila ang mga paghahanda sa pamamagitan ng koordinasyon sa mga barangay at prepositioning ng mga kagamitan para sa agarang pagtugon











