Nakapagtala ng mataas na kaso ng vehicular accident ang Naguilian Police Station sa nakalipas na buwan kung ikukumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLT. Rey Bautista, Deputy Chief of Police ng Nagulian Police Staion, aniya tumaas ng bahagya ang naitalang kaso sa buwan ng Oktubre.
Aniya, hindi naman nagkukulang ang kanilang hanay sa paglalagay ng signages at maging regular na pagchecheckpoint. Ngunit dahil sa nasa stretch ng National Highway ang bayan kaysa madalas pa rin ang naitatalang disgrasya dito.
Kalimitang nasasangkot ang mga single motorcycle na mabibilis ang patakbo lalo na sa parte ng National Highway na walang nakabantay na pulis.
Pahayag ng opisyal, matatalino rin ang mga motorista dahil kung alam nilang may mga nakaposteng pulis ay agad na nagmemenor sa pagpapatakbo. Kaya naman aminado ang opisyal, partikular nitong mga nakalipas na buwan dahil sa mga mabibilis na magpatakbo na nagiging sanhi ng aksidente.
Kabilang din sa binabantayan nila ay ang mga estudyanteng nagmamaneho ng mga motorsiklo. Nauna ng nakausap ng mga awtoridad ang mga magulang ng mga ito ngunit marami pa rin ang mga pasaway kayat patuloy silang nagbabantay.
Nagpaalala rin ang deputy sa mga motorista lalo na sa mga dumadaan sa nasabing bayan na iwasan ang pagpapatakbo ng mabilis dahil ito ang pangunahing dahilan kung bakit nagkakaroon ng aksidente.











