--Ads--

Nagbukas ng karagdagag spillway gate ng Magat Dam ang National Irrigation Administration – Magat River integrated Irrigation System (NIA-MARIIS).

Kaninang alas-3 ng hapon ay binuksan na ang pitong spillway gateng magat dam na may kabuuang 28 meters opening.

Una rito binuksan kaninang umaga ang apat na spillway gate nito na may kabuuang sampung metrong opening subalit dahil sa dami ng mga ulang ibinagsak ng bagyong Uwan sa magat watershed ay kinakailangang buksan ang lahat ng pitong gates nito.

Umabot naman sa 4,512.91 cubic meters per second ang ang inflow habang ang outflow ay 5,824.39 cubic meters per second .

--Ads--

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Carlo Ablan, Division Manager ng Dam and Reservoir Division, nilinaw niya na unti-unti ang gagawin nilang pagbubukas

Maaari naman itong magdulot ng kalahati hanggang isang metrong opening sa Cagayan, River.

Matatandaan na naitala ng NIa-MARIIS ang record breaking inflow na mahigit 11,000 cubic meter per second pasado alas-8 ng umaga November 10,2025.