--Ads--

Nasawi ang isang ginang matapos araruhin ng isang truck ang anim na sasakyan sa Nagsabaran, Diadi, Nueva Vizcaya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Darryl Marquez, Chief of Police ng Diadi Police Station, sinabi niya na ang insidente ay naganap matapos umanong mawalan ng preno ang isang truck dahilan kung bakit mabangga nito ang mga sinusundan nitong sasakyan.

Aniya, nangyari ang insidente sa sharp curve at pababang bahagi ng kalsada kaya maraming mga sasakyan ang nadamay na kinabibilangan ng L300 Van, isang tricycle, cross wind, utility van, wing van, at kolong-kolong.

Pinaka-lubhang napinsala ang tricycle na may lulang isang pamilya kung saan nasawi ang ilaw ng tahanan habang nagtamo naman ng sugat ang asawa at mga anak nito.

--Ads--

Nagdulot naman ito ng pagbigat ng daloy ng trapiko sa lugar dahil natagalan ang clearing operations sa pinangyarihan ng insidente.

Sasampahan naman ng kasong kasong Reckless Impudence Resulting in Homicide and multiple physical injuries and Damage to Property ang tsuper ng truck.

Pinaalalahanan naman ni PCapt. Marquez ang mga motorista na ugaliing suriin ng mabuti ang mga mga sasakyan bago gamitin upang matiyak na ang kaligtasan sa daan.