--Ads--

Muling pinatunayan ng Bombo Radyo Philippines ang walang kapantay nitong dedikasyon sa paglilingkod-bayan sa pamamagitan ng isa na namang makasaysayang nationwide Dugong Bombo bloodletting campaign.

Ginanap kahapon ang pinakamalaki at pinaka-makahulugang single-day blood donation drive na sabay-sabay isinagawa sa 25 key locations sa buong bansa kahapon, Nobyembre 15, 2025, tampok ang 32 fully digitalized na Bombo Radyo at Star FM stations.

Para sa Bombo Radyo Cauayan, ngayong taon ay matagumpay itong nakalikom ng 255 units ng dugo mula sa 401 registrants, na nagbigay sa ating partner blood banks ng sapat at napakahalagang suplay ng ligtas at life-saving blood.

Sa pakikipagtulungan ng Bombo Radyo Philippines Foundation, Inc., at sa kooperasyon ng Philippine Red Cross at Department of Health, nakalikha ang Dugong Bombo ng 4,657 bags, katumbas ng 2,095,650 cc, o 2,096 liters, or 554 gallons, o 10 drums ng dugo mula sa 4,657 successful donors.

--Ads--

Ang Dugong Bombo: A Little Pain, A Life to Gain, ang taunang flagship project na nananatiling matatag na pangako ng Bombo Radyo Philippines upang makapagligtas ng buhay, lalo na ng mga may malulubhang karamdaman, nasa emergency, at mga biktima ng sakuna kung saan napakahalaga ng agarang blood transfusion.

Lahat ng matagumpay na donors ay tumanggap ng limited-edition Dugong Bombo T-shirt, hot meals, at vitamins bilang pasasalamat sa kanilang dakilang ambag.

Mula sa Bombo Radyo Philippines, ipinaaabot namin ang aming taos-pusong pasasalamat sa lahat ng blood donors, matagumpay man o hindi, pati na rin sa aming mga katuwang, sponsors, at tagasuporta. Ang inyong malasakit, kabutihang-loob, at walang sawang suporta ay patuloy na nagbibigay ng pag-asa at nagliligtas ng napakaraming buhay.