--Ads--

Nagkaroon ng prayer rally ang Iglesia Ni Cristo (INC) noong ika-14 ng Nobyembre sa ITC Compound Fourlanes, Santiago City. Naganap ang aktibidad mula alas-siyete ng gabi hanggang alas-otso, at iniulat na ito ay naisagawa nang maayos at mapayapa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Sharon Mallillin, tagapagsalita ng Police Regional Office 2 (PRO 2), nakapaghanda na ang kanilang hanay bago pa man isagawa ang mas malaking rally ng INC mula Nobyembre 16 hanggang 18. Nagpadala ang PRO 2 ng 1,000 personnel upang masiguro ang kaayusan at kasalukuyang namang nasa mabuting kalagayan ang lahat ng nakatalaga.

Sinabi pa ni Pmaj. Mallillin na simula pa lamang noong Nobyembre 14 ay naka-full alert status na ang kanilang hanay. Mayroon ding mga standby forces mula sa iba’t ibang provincial offices upang magpanatili ang peace and order at masubaybayan ang mga aktibidad sa rehiyon. Tiniyak niya na sapat ang bilang ng mga tauhan para sa layuning ito.

Sa kasalukuyan, minomonitor ng PRO 2 ang mga karagdagang personnel na bi-biyahe patungong Metro Manila na dadalo sa pagpapatuloy ng rally.

--Ads--

Pinaalalahanan din ng opisyal ang lahat ng makikilahok sa nasabing aktibidad na magtulungan para sa ikabubuti ng nakararami at isaalang-alang ang layunin na pagkakaroon ng mapayapang bansa.