--Ads--

Nagbigay si DILG Secretary Jonvic Remulla ng deadline kay dating Ako-Bicol representative Zaldy Co at 17 pang akusado na sumuko hanggang Lunes, Nobyembre 24. Ayon kay Remulla, maglalabas ang DILG ng memorandum batay sa mga warrant na mag-uutos sa kanilang pagsuko.

Binigyang-diin ng kalihim na kung hindi susunod, hahanapin ang mga akusado at ituturing na fugitives of justice. Anumang pagtanggi o pag-iwas ay maaaring humantong sa mas mahigpit na hakbang mula sa pamahalaan.

Ipinaliwanag din niya na ang joint operation ng PNP at NBI ang magsasagawa ng pagpapatupad ng warrant. Huling nakita si Co sa Japan at naitala rin ang pagpunta niya sa China at Europe. Hindi siya maaaring arestuhin sa ilang bansa tulad ng Russia, China, Malaysia, at Portugal dahil walang extradition treaty.

Dahil may kasong isinampa laban kay Co, plano ng pamahalaan na mag-aplay ng Red Notice sa Interpol at kanselahin ang pasaporte nito upang mapadali ang paghuli.

--Ads--