--Ads--
Agad na rumesponde ang pinagsamang personnel ng Pudtol Municipal Police Station, BFP Pudtol, LDRRMO, LGU Pudtol, at mga residente ng Brgy. Aurora matapos makatanggap ng ulat mula sa LDRRMO hinggil sa naganap na pagguho ng lupa.
Pagdating sa lugar, natuklasan ng mga rumespondeng tauhan na gumuho ang bahagi ng bundok at natabunan ang isang bahay sa Purok 2, Brgy. Aurora.
Agad nagsagawa ng Search and Rescue operations ang mga team sa kabila ng hindi matatag na lupa, malakas na ulan, at panganib ng panibagong pagguho.
Sa kasamaang-palad, isang residente ang nasawi at matagumpay na narekober sa naturang operasyon.
--Ads--











