--Ads--

Nagpakalat ang Cauayan City Component Police Station ng mga unformed personnel sa mga eskwelahan kung saan tumu-tuloy ang nga delegado ng kasalukuyang isinasagawang Regional Science and Technology Fair 2025.

Ito ang naging kumpirmasyon ng PLt.Col. Avelino Canceran Jr. Hepe ng Cauayan City Component Police Station nang tanungin ng Bombo Radyo News Team.

Ayon sa hepe maraming deligado ang nagtungo ngayon sa aktibidad kay kailangan ng maraming pulis na nagbabantay sa kanila.

Dahil dito, nagtalaga ang Hepe ng tig-dalawang Pulis na magbabantay sa mga eskwelahan na mgiging quarters ng deligado hanggang sa araw na sila ay umalis. 24 oras ang nagiging pagbabantay ng mga uniformed personnel saka papalitan ng ibang magdu-duty kung natapos na nila ang kanilang duty.

--Ads--

Giit pa ng Hepe, sa ganitong paraan ay matitiyak na ligtas ang mga deligado habang nasa loob ng paaralan na kanilang tinutuluyan.

Bukod dito, nagpakalat din ng mga pulis sa lugar kung saan isinasagawa ang event upang matutukan ang seguridad ng mg kalahok. Saad pa ng Hepe, walang maging pagbabago sa routine ng kanyang mga tauhan na imonitor ang buong lungsod. Kailangan lamang aniya na mayroon siyang maitalaga na personnel upang tumutok sa mga kalahok na nagsidatingan.

Sa ngayon, kasalukuyan ang ginagawang kompetisyon para sa Science and Technology Fair.

Samantala, ipinagmalaki ng Cauayan City Stand-Alone Senior High School (CCSASH) ang kanilang school clinic na espesyal na inihanda para sa mga mag-aaral at mga delegado ng Regional Science and Technology Fair 2025.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay John Mina, Secondary School Principal IV ng CCSASH, maituturing na one of the best school clinic sa buong Rehiyon ang kanilang pasilidad.

Bukod kasi sa kumpletong suplay ng gamot, mayroon din itong apat na hospital beds at oxygen supply na handang gamitin anumang oras.

Ayon naman sa school nurse ng paaralan, tumaas ang bilang ng mga nagkakasakit na estudyante nitong mga nakaraang buwan kaya mas lalo nilang tiniyak na handa ang kanilang clinic sa posibleng pagdagsa ng mga nangangailangan ng atensyong medikal.

Dagdag pa niya, mahalagang masiguro ang kalusugan ng lahat lalo na sa gitna ng pabago-bagong panahon.

Samantala, bago pa man sumapit ang nakatakdang araw ng Regional Science and Technology Fair, inihanda na ng paaralan ang sapat na suplay ng mga pangunahing gamot para sa lahat ng delegado.

Tiniyak ni Mina na nakahanda ang kanilang clinic kung sakaling may mangailangan ng tulong-medikal, lalo na at uso ang iba’t ibang sakit sa ganitong panahon.

Sa ngayon, wala pang naitatala ang pamunuan na anumang kaso ng pagkakasakit mula sa mga delegado.