--Ads--

Isang empleyado ng Tuguegarao city hall ang nahuling naglalaro ng computer game habang oras ng trabaho, ayon sa video na ibinahagi ng netizen na si Juan Ybanag sa social media.

Sa kanyang Facebook post, makikita ang lalaking empleyado na abala sa paglalaro sa computer sa mismong opisina ng city hall. Nilagyan pa ito ng geotag sa Tuguegarao City Hall.

Bukod sa paglalaro, nakuhanan din ang empleyado na nakasuot ng tsinelas, bagay na taliwas sa pamantayan ng pagiging propesyonal sa mga tanggapan ng pamahalaan.

agad umani ng iba’t ibang reaksyon sa social media ang naturang post may Iba pang netizens ang nagbahagi ng karanasan kung saan may ilang kawani ng gobyerno ay nahuhuling naglalaro o gumagawa ng hindi propesyonal na gawain sa oras ng trabaho.

--Ads--

Batay sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, inaasahan ang mga kawani ng gobyerno na magpakita ng Commitment to public interest, professionalism at integridad at tamang paggamit ng oras at yaman ng pamahalaan.

Nakasaad din na ang mga opisyal at empleyado ay dapat gumanap ng tungkulin nang may pinakamataas na antas ng kahusayan, dedikasyon, at propesyonalismo.