--Ads--

Aminado ang Civil Service Commission o CSC Region 2 na nakatanggap na sila ng mga reklamo laban sa mga empleyado ng Gobyerno na nakikiisa sa Partisan Political Activities.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Marites Lappay ang Regional Director ng Civil Service Commission Region 2, sinabi niya na may mga natatanggap na silang reklamo kaugnay sa partisan political activity

May ilan na nagpupunta na rin sa kanilang tanggapan para ipahayag ang pagnanais na masampahan ng kaso ang mga Government Employee dahil sa pakikisawsaw sa politika.

Aniya hindi sila nagkulang sa pag-papaalala sa mga empleyado na iwasan ang pangangampaniya para sa isang kandidato at pangangampaniya laban sa isang kandidato para sana makaiwas sa anumang inconvinience at hindi masampahan ng kaso.

--Ads--