--Ads--

Patuloy ang pagsisikap ng mga emergency crews na mahanap ang mga nakaligtas at marekober ang labi ng mga nasawi matapos ang malawakang pagbaha at landslide na tumama sa tatlong bansa sa Asya.

Umabot na sa 1,347 katao ang nasawi, habang halos 1,000 pa ang nawawala, ayon sa ulat ng mga awtoridad nitong Martes.

Ang malalakas na pag-ulan dulot ng monsoon ay nagdulot ng matinding pagbaha, na nag-iwan ng libo-libong residente na natrap sa kanilang mga tahanan, bubong, at puno habang naghihintay ng saklolo.

Sa Indonesia, na siyang pinakamalubhang tinamaan, nahihirapan ang mga rescuer na makapasok sa mga liblib na nayon sa Sumatra dahil sa gumuho, nawasak na mga kalsada at tulay.

--Ads--

Ayon sa National Disaster Management Agency, mahigit 650 katao pa ang hindi pa natatagpuan. Gumagamit na ng mga helicopter at bangka ang mga awtoridad, ngunit nananatiling mabagal ang operasyon dahil sa masamang panahon at sirang imprastruktura.

Sa Sri Lanka, sinabi ni Pangulong Anura Kumara Dissanayake na hindi pa matukoy ang eksaktong bilang ng mga nasawi, at inaasahang tataas pa ang kasalukuyang datos.

Ito na ang pinakamalubhang trahedya sa Indonesia mula noong 2018, nang ang lindol at tsunami sa Sulawesi ay kumitil ng mahigit 4,300 buhay.