--Ads--

Nakatakdang sumailalim muli ang mga barangay officials at mga barangay tanod ng Cauayan City sa Water Search and Rescue Training sa Maddela Quirino ngayong araw.

Ito ay bahagi ng patuloy na paghahanda at pagpapalakas ng kakayahan ng mga barangay officials sa pag respunde tuwing nakararanas ng sakuna ang lungsod, lalong-lalo na ngayong panahon ng pagbaha.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa Punong Barngay ng Carabatan Punta, Ginoong Guilbert Pintucan, ito ay ang pangalawang beses na daraan sila sa ganitong uri ng pagsasanay.Aniya, mahalaga para sa kanila ang pagdalo upang madagdagan ang kanilang kaalaman tuwing sasapit ang water related emergencies, lalo pa’t sila ang unang tumutugon sa oras ng pangangailangan sa kani-kanilang mga barangay.

Inaasahan at ninanais din ng mga barangay officials ang ipagkakalob na bangka ng LGU o lokal na pamahalaan sa mga barangay na makaka-kumpleto at makakapasa sa training. Dagdag niya, magiging malaking tulong ang mga bangka sa tuwing may pagbaha. Gagamitin nila ito bilang rescue equipment upang mas mabilis na maipa-abot ang tulong sa kanilang mga ka-barangay, gayundin para i-likas ang ilang mga residente sa oras ng pangangailangan.

--Ads--

Sa tulong ng Rescue 922 ng lungsod, sila ay magsisilbing gabay sa pagsasanay na ito upang maturuan ang mga barangay officials at barangay tanod ng lungsod.

Samantala, napili ang ilog ng Governor’s Rapids upang maging trainig ground sapagkat makatutulong ang malalakas na agos ng tubig dito bilang halimbawa sa tuwing binabaha ang Alicacao bridge ng lungsod.