--Ads--

Isang 14-anyos na binatilyo ang nawawala habang dalawa namang landslide ang naiulat sa dalawang magkaibang bayan matapos manalasa ang Tropical Depression Wilma na nagdulot ng malakas na pag-ulan sa Albay nitong nakaraang araw.

Ayon kay Albay Gov. Noel Rosal, kasalukuyang isinasagawa ang paghahanap upang matagpuan ang nawawalang bata. Dalawa sa tatlong magkakapatid ang natagpuan na, habang ang isa ay pinaghahanap pa.

Samantala, dalawang landslide ang nangyari sa magkahiwalay na bayan, isa sa Tiwi at isa sa Sto. Domingo, sanhi ng matinding ulan simula Biyernes.

Bago dumating si Wilma, humigit-kumulang 20,000 katao ang sapilitang inilikas upang maiwasan ang pagbaha at pag-agos ng lahar mula sa Bulkang Mayon. Ang ilan sa mga inilikas ay hiwa-hiwalay na sa evacuation centers.

--Ads--

Naibalik naman agad ang suplay ng kuryente matapos maapektuhan ng bagyo. Patuloy na ring humina ang Tropical Depression Wilma na ngayon ay Low Pressure Area (LPA) na lamang simula noong Linggo ng umaga.