Target ng embahada ng Pilipinas sa Switzerland na i-export sa Europa ang mga produktong gawa sa Isabela upang matulungan ang Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) na maipakilala ang kanilang produkto sa International Market.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Philippine Ambassador to Switzerland Bernard Faustino Dy, sinabi niya na nakikipag-ugnayan na ang kanilang tanggapan sa Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA) para sa proseso ng exportation gaya ng pagkuha ng permits upang maibenta sa Switzerland ang mga produktong Pinoy.
Ilan sa mga produktong nais nilang ipakilal sa Europa ay ang Kape, Tsokolate, at Kangkong and Okra Chips.
Kada buwan aniya ng Hunyo kasabay ng paggunita ng Independence day ay nagtatampok sila ng iba’t ibat mga produktong Pinoy sa Switzerland at umaasa siya na susunod na taon ay produkto na ng mga Isabeleño ang maitampok sa naturang bansa at maipakalat sa buong Europa.
Ayon kay Amb. Dy, nakuha niya ang ideya na ito nang minsan siyang magtungo sa isinagawang DTI Fair tampok ang iba’t ibang produktong Pinoy.











