--Ads--

Sumailalim sa memorandum of agreement (MOA) signing ang Lokal na Pamahalaan ng Cauayan at ang Department of Trade and Industry (DTI) ngayong araw upang planuhin ang shared facility para sa Cauayan City Digital Creative Hub at Negosyo Center.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Cyrus Restauro, Acting Provincial Director ng DTI Isabela, sinabi niya na ang bagong tayong gusali katabi ng Isabela Convention Center (ICON) ang gagawing Digital Creative Hub na ang pangunahing layunin ay makapagbigay ng tulong sa mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) sa Lungsod.

Asahan na magsisimula ang operayon ng creative hub bago ang Gaway-gawayyan Festival upang maitampok ng Cauayan City ang mga ipinagmamalaki nitong produkto.

Aniya, dahil ito ay shared facility, parehong maglalaan ng pondo ang DTI at LGU kung saan maglalan ng pondong ₱3,164,500 ang DTI para sa mga Laptop, Computer, Printer, at iba pang digital equipement habang ang counterpart ng LGU ay ang mismong gusali sa tabi ng ICON na tinatayang nagkakahalaga ng ₱14 milyon.

--Ads--

Inaasahan naman na sa pamamagitan ng Creative Hub ay makakalikha ang Lungsod ng Cauayan ng mga souvenirs na pwedeng bilhin para gawing pasalubong lalo na at mayroong paliparan sa Cauayan City.