--Ads--

Nanatiling “high risk” ang Pilipinas sa money laundering, ayon sa Anti-Money Laundering Council. Sa kabila ng pinaigting na hakbang ng gobyerno, patuloy umanong sinasamantala ng mga kriminal ang ilegal na gawain tulad ng drug trafficking, panlilinlang, at environmental crimes.

Ayon sa AMLC, ginagamit na rin ang digital platforms, cryptocurrency, at casino junkets sa mga bagong modus. Isa ring malaking hamon ang cross-border money laundering sa pamamagitan ng offshore at remittance networks.

Bagama’t mataas ang banta, medium naman ang kabuuang kahinaan ng bansa dahil sa mas matibay na regulasyon at koordinasyon ng mga ahensya. Kabilang sa pinaka-bulnerable na sektor ang casinos, real estate, at virtual asset providers.

Samantala, bumaba na sa medium ang banta ng terrorism financing, bagama’t may natitira pa ring panganib lalo na sa ilang lugar sa Mindanao.

--Ads--