--Ads--

Nasawi ang isang Ginang sa Marasat Grande, San Mateo, Isabela matapos mabangga ng kolong-kolong.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Rogelio Antonio, asawa ng biktima, sinabi niya na ihahatid niya sana ang kaniyang misis na si Perlita Antonio at dalawa pang indibidwal sa simbahan para sa Simbang Gabi nang mangyari ang insidente.

Habang binabaybay nila ang barangay road na nasasakupan ng Marasat Grande ay napansin umano ni Rogelio na sumabit ang kaniyang kapote sa Tricycle na minamaneho nito dahilan upang huminto ito sa gilid ng daan upang bumaba at ayusin ito.

Bumaba rin umano ang kaniyang misis at dito na siya nabangga ng paparating na kolong-kolong.

--Ads--

Nakipag-ugnayan naman na ang pamilya ng biktima sa mga kapulisan para sa pagsasampa ng kaso laban sa nakabanggang tsuper.