Namahagi ng ayuda o emergency Cash Transfer ang Department of Social Welfare and Development o DSWD Region 2 sa Bayan ng Dinapigue, Isabela para sa mga nasalanta ng Super Typhoon Uwan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Lucia Alan,sinabi niya na tinatayang nasa higit 2,000 pamilya ang naging benepisyanryo ng ipinamahaging ayuda na nagkakahalaga ng hiugit 10,000 pesos kung saan sinimulan ang payout nitong December 18,2025.
Batay sa pagtaya ng DSWD Region 2 umabot na sa 11 million ang kabuuang halaga ng ayuda na kanilang naipamahagi sa lahat ng Barangay sa Dinapigue.
Maliban sa dinapigue ay may simultaneous payout din sa Lalawigan ng Quirino partikular sa Diffun, at Nagtipunan habang mayroon ding pamamahagi ng ayuda sa anim na munisipalidad ng Nueva Vizcaya na susundan ng Santiago City.
Aniya, maraming mga kabuhayan at kabahayan ang naa[ektuhan ng matataas na daluyong sa Dinapigue kaya naman marami pa ang inaasahang mabibigyan hanggang sa huling araw ng payout ngayong araw o bukas.
Nilinaw naman niya na ang naging batayan nila ay ang listahang isinumite ng LGU at walang anumang idinagdag ang DSWD Region al Office dahil ang halaga na naibaba ay sapat lamang para sa mga tinukoy na benepisaryo.
Samanatala, inihayag din niya na nakatanggap sila ng impormasyon sa MSWDO Dinapigue na hindi talaga kwalipikado sa ayuda ang isang residente na nagreklamo kamakailan dahil sa hindi umano patas na validation.
Lumalabas kasi aniya na ang nagrereklamo na residente ay walang sariling bahay kundi nakikitira lamang at ang tanging nabigyan at kwalipikado ay ang kasamahan nito na siya umanong may-ari ng bahay.
May nakatakda ring MOA Signing ang DSWD sa mga bayan ng San Pablo, sta. Maria, Maconacon, Divilacan, Palanan, San Mariano at Dinapigue para sa isang proyekto habang para sa Walang gutom Program nasa 23 beneficiaries partikular ang mga food poor families ang nakatakda ring tumanggap ng tulong mula sa ahensya.











