Wala ng buhay ang isang lalaki ng matagpuang palutang-lutang sa ilog Cagayan na sakop ng Purok 1, Brgy. Guibang, Gamu, Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nakikipag ugnayan na ang umanoy kaanak ng nasabing lalaki sa Gamu Police Station para berepikahin ang pagkakakilanlan nito.
Matatandaan na nakita pasado alas-11:00 ng umaga nitong Biyernes, Disyembre 19, ng isang namamangka ang palutang-lutang na katawan ng tao na nasa state of decomposition na agad naiparating sa mga awtoridad.
Ang biktima ay nakasuot ng red t-shirt at gray-and-black shorts na may markang “Brooklyn”, tinatayang nasa 20–25 taong gulang, at nasa 5’4″ hanggang 5’6″ ang taas.
Ayon sa PNP bagamat naaagnas na ang labi, walang anumang injuries na nakita sa katawan nito.











