--Ads--
Nagbabala ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa publiko laban sa umano’y “synchronized” online propaganda drive na isinasagawa ng Communist Party of the Philippines–New People’s Army–National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) at ng mga kaalyadong grupo nito.
Ayon sa task force, layunin umano ng naturang mga aktibidad sa social media na iligaw ang opinyon ng publiko at pahinain ang tiwala sa pamahalaan.
Hinikayat ng NTF-ELCAC ang mamamayan na maging mapanuri sa mga impormasyong nababasa at ibinabahagi online, at tiyaking nagmumula ang mga ito sa mapagkakatiwalaang sources.











