Personal na pangungunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw, Enero 8, ang inspeksyon sa Pigattan Temporary Detour Steel Bridge na matatagpuan sa Barangay Pigattan, bayan ng Alcala, Cagayan.
Isinagawa ang inspeksyon matapos gumuho ang Pigattan Bridge noong Oktubre 2025, na nagsisilbing pangunahing koneksyon ng mga bayan ng Gattaran at Alcala. Upang agad na maibalik ang daloy ng trapiko, nagtayo ang pamahalaan ng pansamantalang detour steel bridge.
Batay sa project brief ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ang pansamantalang tulay ay may habang 84 metro na binubuo ng 14 na span na tig-anim na metro bawat isa. Mayroon itong dalawang lane na may kabuuang lapad na 6.0 metro at may capacity na 40 tonelada.
Nagkakahalaga ng P19.087 milyon ang proyekto at natapos ito sa loob ng 60 araw mula Oktubre 9 hanggang Disyembre 14, 2025. Binuksan naman ito sa publiko noong Disyembre 19, 2025.
Tinatayang aabot sa P180 milyon ang halaga ng naturang proyekto na nakapaloob sa General Appropriations Act (GAA) ng 2026.
Ikinatuwa ng mga lokal na opisyal ang pagbisita ng Pangulo, at sinabi nilang malaki na ang naitulong ng pansamantalang detour bridge sa pagbawas ng trapiko at sa pagpapatuloy ng maayos na mobility ng mga residente at motorista sa Cagayan at mga karatig-lalawigan.











