Isang kakaibang eksena ang gumulantang sa mga taga-Paris, France noong January 2 matapos akyatin ng isang hindi pinangalanang lalaki ang tanyag na estatwa ni Joan of Arc sa Place Saint-Augustin at saka tinangay ang espada nito.
Ayon sa report, nakita sa CCTV ang suspek na inuuga ang tansong kabayo gamit lamang ang kanyang mga kamay. Pagkatapos ay binali naman nito ang tansong espada na nagkasira-sira dahil sa lakas ng puwersa.
Agad namang nadakip ng mga nagpapatrulyang pulis ang lalaki sa kalapit na kalsada bitbit pa ang sira-sirang espada.
Kasalukuyang sumasailalim sa psychiatric assessment ang suspek upang tukuyin ang estado ng kanyang pag-iisip.
Samantala, nagpahayag ng pagkadismaya ang lokal na pamahalaan at ang Musée d’Orsay dahil noong 2021 lamang na-restore ang nasabing obra ni Paul Dubois.
Susuriin pa ng mga eksperto kung maisasalba pa ang orihinal na espada o kakailanganin nang gumawa ng replica.
Ang estatwa ni Joan of Arc sa Place Saint-Augustin sa Paris, France.










