Tatlong indibidwal ang inaresto ng mga operatiba ng Echague Police Station matapos mahuli sa aktong nagsasagawa ng ilegal na sugal sa Barangay Fugu, Echague, Isabela.
Bandang alas-3:52 ng hapon nitong Enero 11, 2026 nang ikasa ang anti-illegal gambling operation sa Purok 2 ng nasabing barangay. Itinago ang mga suspek bilang sina alyas “Dita,” 42 taong gulang; alyas “Lyn,” 52 taong gulang, at alyas “Tope,” 32 taong gulang, pawang residente ng lugar.
Ayon sa pulisya, nahuli ang mga suspek habang naglalaro ng barahang “Tong-its” sa loob ng bahay na pagmamay-ari ni alyas “Dita.” Nakumpiska sa operasyon ang isang kahoy na mesa, tatlong monoblock na upuan, isang baraha, at bet money na nagkakahalaga ng ₱870.00.
Isinagawa ang inventory at dokumentasyon ng mga ebidensya sa presensya ng mga suspek at mga opisyal ng barangay. Matapos ipaalam ang kanilang mga karapatan, dinala ang mga inaresto sa Echague Police Station para sa inquest proceedings kaugnay ng paglabag sa PD 1602.
Home Local News
Tatlo, nahuli sa tong-its operation ng pulisya sa Echague, Isabela
--Ads--











